skip to Main Content

TUMAWA

ng hindi naiihi

KALIMUTAN

ang pananakit

MAHALIN

ang maayos na pakikipagtalik

myPFM logo

Ang aking Pelvic Floor Muscles

Nasaan ang mga ito

Ang pelvic floor muscles ay isang grupo ng mga kalamnan sa iyong balakang. Ito ay parang isang duyan sa kahabaan ng buto ng ari hanggang sa  tumbong. Ang mga ito ay literal na “sahig” ng iyong balakang.

Ano ang nagagawa nito

Sinusuportahan ng Pelvic Floor Muscles ang mga lamang loob na nasa ibabaw nito, ito ay nagkokontrol sa paglabas ng ihi at dumi, nagbibigay ng “sexual tone” at satispaksyon, at  kasabay ang “core” na kalamnan ng katawan, pinapanatili nitong matatag ang likod at balakang.

Paano ito gumagana

Ang pelvic floor muscles ay boluntaryo, na nangangahulugan na dapat nilang gawin kung ano ang pinagagawa sa kanila. Tulad ng isang kamay, ang mga pelvic floor muscles ay maaaring maturuan upang mag ipit at mag pigil, at mag relaks rin at magbitaw.

ANG PELVIC FLOOR MUSCLES AY NANGINGILALIM SA MARAMING ISYU

ISA BA SA MGA ITO AY PAMILYAR?
Pelvic Floor Muscles - Sigurago Ka Bang Pawis Lang?
Sigurago ka bang Pawis lang?
Pelvic Floor Muscles - Wala Sa Oras Ng Pangangailangang Umihi?
Wala sa oras ng pangangailangang umihi?
Pelvic Floor Muscles - Patuloy Na Pananakit Ng Balakang?
Patuloy na pananakit ng balakang?
Pelvic Floor Muscles - Pagtawa Na Nagiging Sanhi Ng Biglang Pag Ihi?
Pagtawa na nagiging sanhi ng biglang pag ihi?
Pelvic Floor Muscles - Mas Gusto Ang Kakayanan Dati?
Mas gusto ang kakayanan dati?
Pelvic Floor Muscles - Nadidismaya Sa Sa Balisawsaw?
Nadidismaya sa sa balisawsaw?
Pelvic Floor Muscles - Nangangarap Na Hindi Magising Na Basa Ang Kama?
Nangangarap na hindi magising na basa ang kama?
Pelvic Floor Muscles - Problema Sa Coccyx?
Problema sa coccyx?
Pelvic Floor Muscles - Madalas Na Pagbili Ng Mahal Na Napkin?
Madalas na pagbili ng mahal na napkin?
Pelvic Floor Muscles - Hindi Makamit Ang Orgasmo?
Hindi makamit ang orgasmo?
Pelvic Floor Muscles - Nakakaranas Ng Kabigatan Sa Puson?
Nakakaranas ng kabigatan sa puson?
Pelvic Floor Muscles - Hirap Sa Pagdudumi?
Hirap sa pagdudumi?

MEET OUR FRIENDS

Click above for $10 off $50 promo!
Tumawa <em>ng hindi naiihi</em>

Tumawa ng hindi naiihi

Upang maiwasan ang pag ihi habang tumatawa, dapat na malakas at koordinadoang mga kalamnan upang mapigilan ang pag ihi at pag dumi hanggang magdesisyon na ito ay handa nang mailabas. Ang pag tulo ng ihi, dumi at paglabas ng hangin ay nangyayari lamang kung ang mga kalamnan ay hindi kayang makapagpigil sa tamang oras.

Kalimutan <em>ang pananakit</em>

Kalimutan ang pananakit

Upang makalimutan o iwanan ang nararamdamang pananakit, ang pelvic floor muscles ay dapat mahila ng maayos at sabay na mapahinga o “magbitaw” habang umiihi o dumudumi at sa oras ng pagtatalik. Ang pananakit sa pagtatalik, sakit sa pantog at pagkabalisawsaw o pag hirap sa pag ihi, pag hirap sa pag dumi, o sakit sa tumbong ay maaring mangyari kung ang kalamnan ay hindi makapag bitaw sa tamang oras.

Mahalin <em>ang maayos na pakikipagtalik</em>

Mahalin ang maayos na pakikipagtalik

Para muling mahalin ang maayos na pakikipagtalik, ang pelvic floor muscles ay dapat koordinado at malayang maka galaw upang hindi makaramdam ng pananakit at sa kasabayan nito ay nagbibigay ng lakas, sensasyon at kasiyahang pangsekswal sa kalalakihan at kababaihan. Ang “Erectile dysfunction”, “premature ejaculation”, pananakit habang nakikipagtalik at iba pang mga problema ang maaring mangyari kung ang mga kalamnan ay hindi nagagawa ang tamang paraan sa tamang oras.

SINO ANG MAKAKATULONG

Ang mga Pelvic Floor Physical Therapists ay mga eksperto sa pag reresolba ng mga isyu ng Pelvic Floor Muscles.

Narito ang ilang mga paraan upang makahanap ng Pelvic Floor Physical Therapist:

Maghanap sa internet para sa “Pelvic Floor Physical Therapy malapit sa (IYONG LUNGSOD).”

Sa Estados Unidos, gamitin ang iyong zip code upang maghanap sa mga iginagalang na database tulad ng APTA at Pelvic Rehab.

Sa buong mundo, maghanap ng mga miyembro ng pelvic floor physical therapy association ng iyong bansa.

Tawagan ang local na Klinika ng Physical Therapy upang makita kung nag-aalok sila ng Pelvic Floor Physical Therapy.

Ang Aming Misyon

Masigasig na itinataguyod ang pelvic floor health, maipamahagi ang kaalaman, at mga mapagkukunan na impormasyon para sa lahat ng kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan.

SUMALI SA KILUSAN NG myPFM

Mag-sign up upang makatanggap ng aming eksklusibong newsletter at makakuha ng kapaki-pakinabang na mga kaalaman, impormasyon, at mga update tungkol sa kalusugan ng Pelvic Floor.

Kilalanin si Jeanice Mitchell

Jeanice Mitchell, myPFM Founder
myPFM Founder

Matapos ang kapanganakan ng aking unang anak noong 1999, bigla kong natagpuan ang aking sarili na humaharap sa mga isyu ng matinding pananakit sa aking tailbone, presyon sa aking balakang, at pagtulo ng ihi. Dahil bata pa ako at malusog na Physical Therapist, tumanggi akong paniwalaan na normal ito. Nang nakakita ako ng isang advertisement para sa isang kurso ng pelvic floor therapy, Sumali ako sa dahilang makahanap ng mga solusyon para sa sarili ko.

Nang nagsimula ang unang panayam ng anatomya, Ako ay namangha, nagkaron ng inspirayon, at pag-asa. Sa sandaling iyon, alam ko na ang pelvic floor physical therapy ay ang tunay kong pagtawag. Ito ay sinadya para sa akin, upang maipamahagi ko ito sa iba! Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga klase, hinikayat ang aking mga kasamahan na gawin rin ito, at sa lalong madaling panahon ang aming klinika ay lumago upang magkaroon ng isang yumayabong pelvic floor therapy program.

Nakita ko ang di mabilang na mga buhay na binago sa pamamagitan ng makabagong diskarte sa therapy na ito, kabilang na ang aking sarili. Ito ang aking misyon upang maibahagi ang “transformative power” na ito sa iba, na ginagawang magandang balita tungkol sa malalim na epekto ng pelvic floor health at kagagawan na magagamit sa lahat.

Ang aking inaasahan at taos-pusong panalangin ay maabot ng ng maraming tao ang aming mensahe hangga’t maaari, sa maraming mga lugar hangga’t maaari, anuman ang etniko, wika, katayuan sa kabuhayan, paniniwalaang relihiyon, o anumang iba pang mga hadlang.

Gusto naming makarinig mula sa iyo!

Para sa mga katanungan, mga ideya, at mga mapagkukunan na kaalaman, magsulat sa amin sa hope@myPFM.com.

Back To Top